Atenistang kelot ‘ni-rape’ ng kapwa kelot... UTOPIA ‘FRATMEN’ MAY SEX SCANDAL

Atenistang kelot ‘ni-rape’ ng kapwa kelot... UTOPIA ‘FRATMEN’ MAY SEX SCANDAL

MISTULANG hindi na makawala sa ‘sex scandal’ ang Ateneo de Manila University matapos mabisto ang nangyaring demandahan ng isang Ateneo male law student laban sa kanyang ‘fraternity brother’ mula sa kilalang ‘Fraternal Order of Utopia.’
Sa 7-pahinang resolusyon na inilabas noong Setyembre 6, 2019 ng piskalya ng Makati at nakuha naman ng media, nabatid na isang reklamo ng paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997) ang isinampa ng lalaking complainant laban sa kanyang fraternity brother Utopia sa insidenteng naganap umano sa loob ng kanyang condominium unit sa Rockwell, Makati, madaling araw noong Enero 13.
Sa salaysay ng biktima, bago ang panghahalay, nag-inuman muna sila ng suspek sa isang restoran hanggang pasado alas-11 ng gabi batay sa imbitasyon nito sa kanya.
Matapos ang inuman, nakiusap umano sa kanya ang suspek na “umidlip” muna saglit sa kanyang condo unit upang magpahinga na pinayagan naman niya.
Pasado ala-una umano ng madaling araw ay nagising ang biktima nang maramdaman na may “dumudunggol” sa kanyang puwerta at laking gulat niya umano ng makita ang kanyang fraternity brother na hawak ang matigas nitong ari at pilit na ipinapasok sa kanyang puwerta.
Bago umano ganap na nagtagumpay ang suspek na maipasok ang ari nito sa kanyang puwerta ay nagawa niya itong itulak palayo sa kanya at sinigawan nang, ‘What the f*** bro?!”
Sa salaysay naman ng suspek, hindi nito itinanggi na may nangyaring ‘sexual encounter’ sa kanila subalit pinabulaanan niya ang bintang na panggagahasa; ang nangyari aniya, ay may “pagpayag” ng biktima o ‘consensual.’
Aniya, bagaman magkahiwalay silang natulog ng complainant, pasado alas-dos ng madaling araw ay nagising siya dahil sa tunog ng alarm clock at nagdesisyon na lumipat sa tabi ng biktima.
Idinagdag pa niya na nang simulan niyang “haplusin” ang ari ng kanyang fraternity brother ay hindi naman ito nagreklamo at bagkus ay pumayag sa kanyang gustong mangyari.
Bagaman, sinabi ng suspek na walang nangyaring ‘penetration’ taliwas sa sinasabi ng biktima dahil na rin sa kanyang kalasingan at nakuntento na umano silang matulog habang nakayakap siya dito.
Matapos ang insidente, nagulat na lang umano ang suspek nang malaman na nagsampa ng kasong rape sa piskalya ng Makati ang biktima laban sa kanya.
Humihingi rin umano ng kabuuang P287,000 sa kanya ang biktima kapalit ng pag-aatras nito ng reklamo.
Nabatid pa na sinikap ng kanilang mga fraternity brother sa Utopia na tahimik na “ayusin” ang kanilang problema subalit nabigo ang mga ito.
Sa resolusyon naman ng Makati Prosecutor’s Office na pinirmahan ni Senior Assistant City Prosecutor Leilia R. Llanes, kinatigan ang bersyon ng suspek dahil umano sa kawalan ng ‘probable cause’ sa bintang na panggagahasa.
Ayon pa sa resolusyon, mas nararapat ang demandang ‘unjust vexation’ (light coercion) laban sa suspek.