Utopia Fratman 'Tinurbo' ni Brod

Utopia Fratman 'Tinurbo' ni Brod


Isang miyembro ng fraternity sa law school ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang sinampahan ng kasong rape thru sexual assault ng kanyang brod sa Makati City Prosecutor’s Office.
Sadyang hindi na lamang pinangalanan ang nagreklamo at nireklamo para mapangalagaan ang kanilang pagkaka­kilanlan.
Batay sa reklamong inihain noong Setyembre 6, 2019, nangyari ang insidente noong Enero 12 ngayong taon dakong alas-otso nang gabi kung saan inimbita umano ng complainant ang akusadong ka-brod sa Fraternal Order of Utopia para mag-inuman sila sa isang bar.
Nang pauwi na umano sila, hiniling ng akusado sa complainant kung puwedeng mag-stay muna ito sa kanyang condominium unit para makapagpahinga bago tuluyang umuwi. Dahil nagmamalasakit sa kanyang fraternity brother, pinagbigyan umano nito.
Bandang ala-1:30 nang madaling-araw, naramdaman na lang umano ng complainant na may pumapasok sa kanyang puwet at nagulat pa siya nang makita ang akusado na nakaluhod sa kanyang likuran, hawak ang ari at tinatangkang ipasok ito sa kanya.
Sinigawan umano ng complainant ang fraternity brod para tumigil ito at sinabihang umalis na lamang.
Batay naman sa salaysay ng akusado, “consensual” diumano ang kanilang ginawa matapos na mag-inuman sila at magpahinga muna sa condo unit.
Habang nasa condo, pumasok umano siya sa kuwarto ng complainant at tinangka nilang mag-anal sexual intercourse pero nabigo sila hanggang sa makatulog na magkatabi.
Nang tangkain umano ng akusado na mu­ling i-anal sex ang complainant ay biglang na­galit ito at sumigaw.
Nabatid na tinangkang aregluhin na lamang ng magkabilang kampo ang nasabing kaso pero batay sa mga source, hindi matanggap ng akusado ang hinihingi ng complainant na bayaran siya ng umaabot sa P5 milyong halaga at mangangakong ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa law school sa labas ng Metro Manila.
Dahil dito kaya isinampa umano ang kasong rape.
Gayunpaman, batay sa desisyon ni Senior Assistant City Prosecutor Leila R. Llanes ng Makati City Prosecutor’s Office, nirekomenda nito ang pagsasampa ng kasong unjust vexation lamang laban sa akusado at ibinasura ang kasong rape thru sexual assault dahil sa kawalan ng probable cause.

Article from:







Abante Tonite




Service. Sacrifice. Excellence.